ni Jose F. Lacaba
Humihingi ako ng tawad
Sa mga kritikong walang patawad
Na nagsasabing
Walang sinabi
Ang kasalukuyan kong berso
Kumpara sa mga hiyas na nilikha ko noong bata pa ako.
Ang noon
Ay bahagi na raw ng tinatawag nilang canon –
Pero ang ngayon
Ay naubusan na raw ng inspirasyon,
Mga dighay sa dilim
Ng isang palaging binabagabag
Ng kabag.
Ang ibig sabihin
Ng canon ay ito:
Ang lumang obra maestra mo
Ay muli’t muling
Inilalathala sa mga teksbuk
Nang walang bayad at walang pahintulot,
At kulang-kulang ang mga taludtod,
At maraming linyang mali
Ang bali,
At – ang lalong kalunos-lunos –
Pinagtatanggal ang lahat ng parteng bastos.
Masarap sana ang canon
Kung pwedeng ipambili ng ulam at kanin
No comments:
Post a Comment